Filipinolohista's Blog

June 12, 2012

Ang Sundalong Patpat ni Virgilio Almario

Filed under: Uncategorized — filipinolohista @ 2:43 am

ANG SUNDALONG PATPAT

Rio Alma

 

Unang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng sampalok. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hahanapin

ko ang nawawalang ulan,” sagot ng Sundalong Patpat habang inaayos ang papel na sombrero. “Pero hindi hinahanap ang ulan,” nagtatakang

nagkamot ng tuktok ang sampalok. “Dumarating ito kung kailan gusto.” “Kung gayon, aalamin ko kung bakit matagal nang

ayaw dumalaw ng ulan,” sagot ng Sundalong Patpat at pinatakbo ang kaniyang kabayong payat.

 

Ikalawang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng manok. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hahanapin

ko ang nakalimot na ulan,” sagot ng Sundalong Patpat habang nagpupunas ng pawis na tumatagaktak. “Pero hindi hinahanap ang

ulan,” nagtatakang tilaok ng manok. “Dumarating ito kung tinatawagan at dinadasalan.” “Kung gayon, aalamin ko kung bakit matagal

nang hindi makarinig ang ulan,” sagot ng Sundalong Patpat at pinatakbo ang kaniyang kabayong payat.

 

Ikatlong Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng bundok. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hinahanap

ko ang nawawalang ulan,” sagot ng Sundalong Patpat habang hinihimas ang kabayong humihingal. “Matagal nang umalis dito ang

ulan,” paliwanag ng kalbong bundok. “Nagtago sa pinakamataas na ulap.” “Kung gayon, aakyatin ko ang ulap,” sabi ng Sundalong

Patpat at umimbulog agad sa simoy na pumapagaspas.

 

Ikaapat na Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng ulap. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hinahanap

ko ang nagtatagong ulan,” sagot ng Sundalong Patpat habang tinatapik ang nahihilong kabayong payat. “Matagal nang umalis dito

ang ulan,” paliwanag ng maputlang ulap. “Nagtago sa pusod ng dagat.” “Kung gayon, sisisirin ko ang dagat,” sabi ng Sundalong Patpat

at lumundag pabulusok sa mga along nakatinghas.

 

Ikalimang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng dagat. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?” “Hinahanap

ko ang nagtatagong ulan,” sagot ng Sundalong Patpat at iwinasiwas ang espadang patpat. “Pero hindi nagtatago ang ulan,” paliwanag

ng nagniningning na dagat. “Ibinilanggo ni Pugita sa kaniyang mutyang perlas.” “Kung gayon, papatayin ko si Pugita,” sabi ng matapang

na Sundalong Patpat. “Palalayain ko ang ulan.”

At sinugod ng Sundalong Patpat sakay ng kaniyang kabayong payat ang yungib ni Pugita. Nagulat si Pugita sa biglang pagpasok ng

Sundalong Patpat na iwinawasiwas ang espadang patpat. Nagulat si Pugita sa liksi at lakas ng maliit na Sundalong Patpat. Nagulat si

Pugita sa talim at talas ng kumikislap na espadang patpat.

Una at Ikalawang Pangkat: Mabilis at isa-isang tinigpas ng Sundalong Patpat ang malalaki’t mahahabang galamay ng mabagal at

matabang dambuhala. Isa, dalawa, tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo! Huli na nang magbuga ng maitim na tinta si Pugita. Nasungkit

na ng Sundalong Patpat ang mutyang perlas na nakapalawit sa kuwintas ng nalumpong hari ng dagat!

 

Ikatlo at Ikaapat na Pangkat: Hawak ang perlas, dali-daling sumibad patungong pampang ang Sundalong Patpat sakay ng mabilis

na kabayong payat. Pag-ahon ay agad niyang ipinukol ang mutyang perlas paitaas, mataas, mataas na mataas, hanggang umabot sa

tiyan ng ulap at sumabog na masaganang ulan.

 

Ikalimang Pangkat: Nagbunyi ang buong daigdig. Sumupling muli’t naglaro ang mga damo’t dahon. Nagbihis ng lungtian ang mga

bukid at bundok. Muling umawit ang mga ibon at ilog…

 

Lahat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng sampalok. “Saan ka na naman dadalhin ng kabayong payat?” “Hahanapin

ko ang gusi ng ginto sa puno ng bahaghari,” sagot ng makisig na Sundalong Patpat at pinatakbo ang makisig na kabayong payat.Image

About these ads

32 Comments »

  1. ang ganda ng kwento hndi nakakasawa sana magustuhan niyo rin
    may ma22nan kayong aral

    Comment by lex — June 14, 2012 @ 11:17 am | Reply

  2. story story story..:P…hehehehhe…evry body read dis story… …:D

    Comment by ako sii repub — June 14, 2012 @ 1:24 pm | Reply

  3. ganda ng kwento ng sundalong patpat ..

    Comment by jeanbubbles — June 16, 2012 @ 6:02 am | Reply

  4. anu po ba ibig sabihin ng tinigpas????

    Comment by mai — June 17, 2012 @ 11:27 am | Reply

  5. ammmmmt….okey keu!!!

    for all high shcool students like me!!!

    Comment by kimberly masamayor — June 17, 2012 @ 12:15 pm | Reply

  6. nice pagkahimo ang story!!!:)
    =)

    Comment by kimberly masamayor — June 17, 2012 @ 12:29 pm | Reply

  7. thanks for the story … i read it all of it and im happy for the story…

    Comment by mart — June 17, 2012 @ 3:12 pm | Reply

  8. hmmf.. ganda..

    Comment by Sharie Cruz — June 18, 2012 @ 10:04 am | Reply

  9. KraVii kOkOpYaHin NameN eyan ee..

    Comment by jolina — June 18, 2012 @ 1:06 pm | Reply

  10. wow ang galing?

    Comment by elija ambas forteza — June 18, 2012 @ 1:13 pm | Reply

  11. Maganda :)

    Comment by mikee santos — June 18, 2012 @ 1:15 pm | Reply

  12. ang mga litrarong mga tauhan

    \

    Comment by dmlovejaymar — June 19, 2012 @ 3:57 am | Reply

  13. meron po bang ikaanim na pangkat

    Comment by jenelyn — June 19, 2012 @ 6:32 am | Reply

  14. ganda ng storya,,

    Comment by diana rose dalauta — June 19, 2012 @ 7:09 am | Reply

  15. wow ok n rin

    Comment by junaleth — June 20, 2012 @ 6:47 am | Reply

  16. Very nice

    Comment by kryskaye — June 20, 2012 @ 8:10 am | Reply

  17. nc story

    Comment by john john — June 20, 2012 @ 10:15 am | Reply

  18. gud…our tcher told dat 1 to us….n’ dat’s very flattering.

    Comment by crissalhey escaler — June 20, 2012 @ 1:12 pm | Reply

  19. salamat ass. namin to sa filipino ako g aldrin
    a

    Comment by aldrin valenzuela — June 21, 2012 @ 8:51 am | Reply

  20. awsome

    Comment by joel castro jr — June 21, 2012 @ 10:31 am | Reply

  21. . qanda super :) qalinq mu sundalonq patpat hahaa :)

    Comment by ela leonardo — June 21, 2012 @ 10:47 am | Reply

  22. ang ganda ng kwento

    Comment by jhanna dizon — June 23, 2012 @ 6:29 am | Reply

  23. very beautiful story

    Comment by Shannen T. Macalipay — June 24, 2012 @ 3:18 am | Reply

  24. wala na po ba kasunod itong kwento ng sundalong patpat?

    Comment by Twister_Taz — June 24, 2012 @ 5:49 am | Reply

  25. ang ganda ng kwentong to!..
    bnasa smin ng teacher nmin . . .
    kso wla kming mkitang picture ng mga characters!..
    san kya mkakahanap ng mga pictures ??

    Comment by rona pantua — June 24, 2012 @ 9:39 am | Reply

  26. ty

    Comment by GM MAX — June 24, 2012 @ 1:14 pm | Reply

  27. ang cute ni2ng story pinag aralan namin sa sChooL….

    Comment by nicole escuadro — June 25, 2012 @ 7:40 am | Reply

  28. GANDA PO NG KWENTO!!

    Comment by JICA ADATO — June 26, 2012 @ 10:05 am | Reply

  29. natula na namin yan eh

    Comment by JULIETH — July 6, 2012 @ 8:25 am | Reply

  30. pwde paki lagay nang komiks trip

    Comment by Rayam Castanos Engracia — July 8, 2012 @ 1:04 am | Reply

  31. Napakaganda nitong kwento na ito. ako si marigold alvarez

    Comment by Marigold Alvarez — August 6, 2012 @ 11:27 am | Reply

  32. ang ganda ng kwento may mapupulot na aral

    Comment by laurie may — August 15, 2012 @ 1:35 pm | Reply


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

The Rubric Theme. Create a free website or blog at WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: