Filipinolohista's Blog

Mahirap Ba Akong Pakisamahan?

Mahirap ba akong pakisamahan?

Nais ko lang sanang malaman

‘pagkat ako’y nahihirapan

Hindi ko naman alam ang dahilan.

 

Mga matang nakamasid sa akin ay nakatitig

Ako ay nilalamig, katawan ay nanginginig

Tila may gustong ipabatid, nais kong marinig.

 

Simple lang naman ang aking kahilingan

Ang matanto ang sa loob nyo’y nilalaman

Mga damdaming nais nyong ipaalam

Ang mga gawing dapat kong iparamdam

 

Nais ko, na kayong lahat ay maging kaibigan

Samahan kayo sa tagumpay at kabiguan

Balikat ko’y handa kong ipahiram at sa inyo’y ilaan

Kaya sana’y sagutin ang tanong ko,

Mahirap ba akong pakisamahan?

 

 

2 mga puna »

  1. I believe what you published made a lot of sense. But, what about this? suppose you added a little content? I am not suggesting your information isn’t good, however what if you added a title that grabbed people’s attention? I mean Mahirap Ba Akong Pakisamahan? | Filipinolohista& is kinda boring. You might look at Yahoo’s front page and watch how they create article titles to grab people interested. You might try adding a video or a picture or two to grab people interested about everything’ve written. In my opinion, it would make your website a little bit more interesting.

    Komento ni worki gruzowe Sopot — Marso 25, 2013 @ 1:11 hapon | Sagutin

    • thank you for your suggestion. I believe writers have different way to express their selves not just to catch attention of other people. As they always say, we cannot please everybody. God bless us all 😉

      Komento ni filipinolohista — Abril 2, 2013 @ 10:34 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng puna

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.